Categories
Uncategorized

22nd Cake Day!

22NDCAKEDAY.jpg

Figure 1. A happy me @ Nasugbu, Batangas

Ito ang ni-tweet ko noong bisperas ng aking birthday:

“Ganto na pala pag tumatanda. Mas gusto mo na lang na regalo ng mga tao ay oras at presence nila. More on the inner side na yung mga New Year’s Resolution. Ganern.”

At totoo nga iyan. Sa puntong ito, naramdaman ko na yung change sa mga outlook ko sa buhay. Truth be told, however, di ako sure kung good change ba ito o underlying cynicism. Anyways, there’s not really a lot to ask for but just a lot of good things to thank for. May isang bagay ako na pinagdarasal nitong mga nakaraang apat na buwan. Iibahin ng kasagutan dito ang buong landas ng aking buhay, at aaminin ko, nakakatakot ito dahil isa itong landas na kakaunti pa lamang ang tumatahak (sa circle of people ko, anyways).

Pakiramdam ko dumadating na ang kasagutan, pero nakabalot ito ng mga sampung beses tapos balot na balot pa sa magical na packing tape. Ang hirap buksan, ang hirap i-discern. Parang hawak-hawak ko yung box ng regalo tapos inaalog-alog ito para magka-clue ng kung ano man ang laman niya. Hindi mo naman makapa (#stereognosis) kasi nakakahon nga. Di bale na. Baka hindi pa ngayon yung panahon para malaman ang nilalaman nito. Mag-waiting game na lang tayo sa pagbukas ng regalo, gaya nung ginagawa natin nung mga bata pa tayo tuwing Pasko.

Ang tanging hiniling ko lang naman ay clarity sa lahat ng bagay, at maging okay, whatever that means. Natatakot lang ako na baka masyado akong naka-focus sa isang imahe ng perfection at peace sa utak ko to the point na hindi ko na naappreciate yung kung ano man ang meron ako ngayon.

Ngayon.

Present in English.

Yieee regalo, ano, hahaha.

Masaya na ako sa kung ano man ang meron ako ngayon: pamilya, mga kaklase, mga kaibigan, mga nakakasalamuha ko kahit saglit lang. Sapat nang nandyan kayo habang inaalam ko pa ang hinaharap. 🙂

 

 

By Gabrielle De Ocampo

🌸 Waiting for the next big thing. ✨Sometimes I write, sometimes I draw.
🌸 Public Health | Humanitarian Response | Community Development

Leave a comment