Categories
Life

Quarter Life Crisis?

Ayowww, I am now a medical student! Akalain mo ‘yun? Kahit ako, hindi makapaniwala dahil ANO BA TONG PINASOK KO joke-one-half-joke only. Napadaan ako ulit sa nilalangaw kong blog at nagbasa ako ng mga luma kong post. Ang cute cute. Sinimulan ko pala tong blog na ito bago pa ako mag kolehiyo. Kitang-kita rin siguro yung pagbabago ng pagkatao ko? Haha. Ang galing lang siguro ng isipan kasi tumatanda rin siya, kagaya na lamang ng pisikal na aspeto ng ating mga katawan. Wala naman itong anyong pisikal pero alam mong tumatanda rin siya… o lumalalim? Kung ano man ang mas angkop na salita.

Pero bakit nga ba ako napadaan dito? Bored? Ayaw mag-aral at nag po-procrastinate? Haha, di ko rin alam. Marami kasi akong gustong isulat bunga ng mga karanasan at nangyayari sa ating mga bansa, pero parang di pa ako okay at nasa tamang estado para gawin ang lahat ng mga ito. Sa ngayon, nandito lang sila sa aking diwa, palutang-lutang. Hindi naman makakatakas. 🙂 Ang dami ko lang din gustong sabihin dahil sa nag-uumapaw kong mga emosyon na naghalo-halo na–parang kapag uminom ka ng gatas, soft drinks, kumain ng prutas at tsokolate tapos humilab na lang nang sobra yung tiyan mo kasi kahit ito, hindi naiintindihan ang nilalaman niya. May bumulong lang na idea sa akin: “be brave”. Be brave as in maging totoo ka sa iyong sarili at ‘wag tamarin sa paghabol sa iyong mga pangarap. Tama bang sabihin na tamarin? Mas okay ata yung “wag magdahilan”.

Hindi ko na alam. May quarter life crisis ata ako (that’s assuming na aabot ako until 80 years old bc ngayon pa lang, pinapatay na tayo ng gobyernong ito). At least di ba, nag-improve na #MidnightThoughts ko. Nandoon pa ako sa Identity vs. Role Confusion na stage, ayon sa Stages of Psychosocial Development ni Erik Erikson. Medyo lagpas na sa deadline na 18 years old, pero kung tutuusin, sino nga ba ang siguradong-sigurado na sa kanilang buhay? Sobrang dami ng mga opportunities at possibilities dito sa mundo. Kapag ganyan pa naman, sobrang hirap maging taong in-love with possibilities. Parang kahit anong landas man ang tahakin mo, parang may FOMO (haha natuwa ako dito kasi di ko alam meaning nito noon; sobrang “millennial”) ka pa rin na mararamdaman. This, however, should not to be confused with a lack of resolve, as that problem requires another solution. Tanong though–what is the limit? Paano nga ba natin malalaman kung ano yung pinagkaiba nila sa isa’t isa? Hindi rin ako sigurado. Marami pa akong bigas na kakainin (hintay tayo nung mga import na bigas dahil di naman pinahahalagahan ang mga magsasaka sa bansa natin hahahuhu not a joke) at marami pa namang panahon para mag trial and error. Gaya nga ng sinabi sa akin ng mga kaibigan ko noon (na sinasabi ko na rin bilang assurance sa ibang tao), we’ll cross the bridge when we get there.

Okay, yan lang muna ngayon. Hinihintay pa ako ng mga pwet CHZ joke gluteal region po hahaha. 🙂

By Gabrielle De Ocampo

🌸 Waiting for the next big thing. ✨Sometimes I write, sometimes I draw.
🌸 Public Health | Humanitarian Response | Community Development

Leave a comment